musika sa aking pandinig
pagkatapos ng mahabang sesyon ng pakikipaglaro ng pokersa tatlong puting unggoy na aking kahalubilo, aking napagtanto na marahil ay isang kahunghangan ang kompetisyon sa pagitan nang babae at lalaking walang alam kundi ang ipagmayabang nag kanyang kakayahan na bumili ng mga bagay na maluho. marahil ay dahil sa kakulangan ng kanyang bayag o di kaya naman sa sukat ng kanyang...pagkatao.
hmp. natatalo lang siguro kaya pati na ang musikang aking gustong pakinggan ay "gay" daw sa kanyang pandinig. ang damuho! nakikilaro na nga lang poker sa bahay ng may bahay (ni hindi nga nagbitaw ng limang dolyar na pang-pusta sa laro...tsk tsk...sayang...nasa bulsa ko na sana ngayon ang aking limang dolyar na kayang pinatalo) e hindi pa binigyang galang ang musika na akin namang kinasasaya.
buwisit talaga. kung ako kaya ang nasa kanyang pugad (bahay, tanga!), magugustuhan kaya niya kung sabihin ko na kinamumuhian ko ang musikang kayang pinakikinggan? bukod sa inaagaw niya ang atensiyon ng bagong dating kong boypren (galing sa cincinnati, nagbakasyon ng tatlong araw), e nagpapakabayani sa pang-aasar.
musika: if i aint got you - alicia keys

